Pinag-aaralan na ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng pansamantalang lockdown sa ilan sa kanilang training facilities.
Ito’y bilang pagtugon sa banta ng novel coronavirus acute respiratory disease (2019-nCoV ARD).
Ayon kay PNP Chief Gen. Archie Gamboa, kabilang sa mga ikinukonsidera nilang isailalim sa lockdown ang PNPA, national police training institute at lahat ng regional training schools sa buong bansa.
Gayunman tiniyak ni Gamboa na gagawin lamang ang nasabing lockdown kung irerekumenda ito ng Department of Health na siyang nangungunang ahesniya ng pamahalaan para sa pagtugon sa nCoV.
Sakali namang maipatupad ang lockdown, hindi na muna papayagang makapasok sa nabanggit na mga pasilidad ang outsiders upang hindi mahawaan ng sakit ang mga police trainee.