Handang iurong ng ilang transport group ang petisyong taas-pasahe sa LTFRB oras na tumupad ang gobyerno sa pangakong subsidiya sa petrolyo.
Malaki ang maitutulong ng subsidiya ayon sa Liga ng Transportasyon sa Pilipinas (LTOP) upang makabawas sa epekto bunsod ng sunod-sunod na oil price hike.
Magugunitang humirit ang iba’t ibang transport group ng tatlong pisong dagdag-pasahe sa jeep.
Samantala, limang piso kada litrong subsidiya ang alok sa naturang grupo sa isinagawang executive session sa Kamara. —sa panulat ni Airiam Sancho