Limang transport group ang hindi lalahok sa ikinakasang nationwide strike sa Lunes laban sa nagbabadyang jeepney phaseout.
Ayon kay Pasang Masda President Obet Martin, tutol sila sa kilos protesta na inanunsyo ng Stop and Go Coalition dahil wala itong batayan lalo’t wala pa namang pinal na kautusan ang gobyerno para sa jeepney modernization program.
Bukod sa Pasang Masda, hindi rin lalahok sa strike ang Federation of Jeepney Operators and Drivers Association, Alliance of Concerned Transport Organization, Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines at Liga ng mga Tsuper at Operator sa Pilipinas.
By: Drew Nacino