Plano ng transport group na Piston at Manibela na magsagawa muli ng 11 araw na tigil-pasada.
Ito’y bilang pagtutol pa rin sa PUV modernization program ng pamahalaan.
Ayon kay Piston President ka Mody Floranda, umaasa sila na madinig ng korte ang kanilang hinanain lalo na sa kahalagahan ng transport sector sa bansa.
Dagdag pa ng grupong Piston, hindi lamang mga driver at operator ang maaapektuhan kundi maging commuters.
Maliban dito, sa inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board, nasa mahigit 300 ruta sa Metro Manila ang hindi na-consolidate.
Samantala, muling magsasagawa ng panibagong imbestigasyon ang house committee on transportation kaugnay sa PUV modernization sa Enero 24 . – sa panunulat ni Charles Laureta