Nakatakdang harapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang transport group na tutol sa planong modernisasyon ng mga pampublikong sasakyan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, hangad ng Pangulo na mapakinggan ang panig ng mga tutol sa naturang modernisasyon.
Matatandaang naglunsad ng tigil pasada ang ilang transport group noong Lunes upang ipakita ang kanilang masidhing pagkontra sa plano ng Land Transportation Franchising and Regulatory Group na palitan ng bago ang mga lumang pampublikong sasakyan.
Ayon kay Abella, nais ng pangulo na marinig ang boses ng iba’t ibang sektor upang personal na mabatid ang kanilang mga hinaing lalo’t may kinalaman sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping