Balik-military base na ang ilang Russian troops matapos ang kanilang exercises malapit sa Ukrainian border sa kabila ng bantang pagsakop sa Ukraine.
Naganap ito matapos ang pulong nina Russian President Vladimir Putin at German Chancellor Olaf Scholz sa Moscow bilang bahagi ng diplomatic negotiations.
Walang pang ibinibigay na detalye ang Russian Defense Ministry kung gaano karaming sundalo ang nag-pull-out.
Hindi naman kumbinsido ang North Atlantic Treaty Organization (NATO) at ilang miyembro nito tulad ng UK kung seryoso ang Russia dahil hindi pa naman anila pinababalik sa military base ang mahigit 100,000 Russian troops pa ang nakapalibot sa Ukrainian border.
Nanindigan naman si Putin na pababalikin lamang nito ang mga tropa kung hindi aanib ang Ukraine sa NATO pero kung hindi ito matutupad ay nagbanta ang russian president ng nuclear war sa Eastern Europe.