Humihingi ng panibagong fuel subsidy ang mga driver partikular mula sa Quezon City.
Kasunod na rin ito nang patuloy na pagsirit ng presyo ng oil products sa mga nakalipas na linggo.
Ayon sa mga tsuper , hindi pa sila nabibigyan ng fuel subsidy na sinimulang ipamahagi sa unang bahagi ng taong ito.
Tiwala ang mga naturang tsuper na mabibigyan na sila ng fuel subsidy dahil hindi na mapigilan ang pagtataas ng presyo ng oil products at sana ay hindi sila mahirapang kumuha nito.
Una nang inihayag ng Malakanyang na handa silang ipagpatuloy ang fuel subsidy para sa mga pampublikong tsuper sa harap na rin nang pagtaas ng inflation o pagtaas sa presyo ng mga bilihin nuong Oktubre.