Nagpahayag ng pangamba ang ilang tsuper ng jeep sa nakatakdang malakihang taas-presyo ng langis bukas.
Posible ring sumabay dito ang isa pang taas-presyo dahil naman sa ikalawang bugso ng excise tax sa mga produktong petrolyo bunsod ng TRAIN o Tax Reform for Acceleration and Inclusion Act.
Daing ng mga tsuper, mas mahigpit na pagba-budget ang kanilang kahaharapin dahil kasunod ng pagtaas ng presyo ng langis ay ang pagtaas din ng presyo ng mga bilihin.
Ang dati anilang 500 pisong budget sa araw-araw ay nagiging 700 piso na sapat lang sa pangangailangan ng kanilang pamilya.
Dagdag pa ng mga ito, pinakamatindi anila ang naranasan nilang magkakasunod na taas-presyo ng langis mula noong nakaraang taon.