Nasakote ng mga otoridad ang ilang tulak umano ng droga, kabilang ang dalawang menor de edad sa isang drug raid sa Barangay Gulod, Quezon City.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina Malaya Cornejo, Clara Sumbilla, Monjehar Diamaton at dalawang menor de edad kung saan ang isa ay may bitbit pang sanggol.
Hindi naman naaresto ng Quezon City Police District – Station 4 (QCPD-Station 4) ang pangunahing target na si Jeffa Gerbacio salunayan makaraang makatakas.
Ayon kay Supt. Rossel Cejas, hepe ng QCPD – Station 4, narekober mula sa mga suspek ang walong plastic ng shabu na nagkakahalaga ng P70,000 na itinago sa diaper ng sanggol na bitbit ng isa sa mga menor de edad.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act habang dinala na sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga menor de edad.