Napilitang tumawid ang ilang residente sa tulay na gawa sa pinagtadugtong-dugtong na kahoy matapos magiba ang nituan bridge ng rumaragasang tubig sa ilog sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Paeng.
Apektado sa nasirang tulay ang mga sasakyan kabilang na ang mga motorsiklo. Nananawagan ang mga residente sa mabilis na pagsasaayos ng nasirang tulay.
Bukod dito, kabilang ang Labu-Labu Bridge sa Datu Hoffer, tulay sa Diatlungan Ampatuan ng Maguindanao del Sur, Matengen Bridge sa Sultan Kudarat, at ang Nituan Bridge ang hindi madaanan sa Maguindanao del Norte matapos hagupitin ng bagyong Paeng.
Ayon sa public works office ng Maguindanao del Norte, may inilaan nang pondo ang BARMM at national government para sa pagpapagawa ng nasirang tulay. —sa panulat ni Maze Aliño – Dayundayon