Nakatakdang ayusin ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang ilan pang tulay sa Metro Manila.
Sinabi ni DPWH Secretary Manny Bonoan na kabilang dito ang Guadalupe Bridge sa Makati at ang Lambingan Bridge sa Marikina.
Aniya, target nilang masimulan ang Retrofitting activities sa mga nabanggit na tulay sa huling bahagi ng taon o sa unang kwarter ng 2023.
Magugunitang, isinara noong June 25 ang Southbound Lane ng Edsa-Kamuning Flyover sa Quezon City para bigyang daan ang pagaayos sa kalsada.
Inaasahan namang tatagal ng isang buwan ang pagsasaayos sa mga nabanggit na tulay.