Ilang kabahaging party-list group sa 2022 elections ay may kaugnayan sa mga malalaking negosyo at political clan.
Ayon sa Researchers ng Election Watchdog na Kontra-Daya, 44 sa mga party-list group ay kontrolado ng mga political clan at nasa 21 ang may koneksyon sa malalaking negosyo.
Tatlumput apat naman ang may malabong adbokasiya at representasyon, 32 ang may koneksyon sa gobyerno at militar, nasa 26 ang tumatakbong local official at labing siyam ang may pending na kaso sa korte at criminal charges.
Ang naturang pagsusuri ay ibinase sa profile ng 177 party-list groups na nagdeklara ng kanilang mga adbokasiya, track record sa serbisyo publiko at background ng kanilang grupo. — Sa panulat ni Airiam Sancho