Isiniwalat ngayon ng mga tumiwalag na miyembro ng grupong Kadamay na nakatatanggap sila ng pagbabanta sa kanilang buhay o death threats.
Sa inihaing complaint sa Bulacan Police Station, sinabi ni Jeffrey Ariz, lider ng Team JB, na makailang beses na silang hinaharass ng ilang mga kalalakihang naka-motorsiklo matapos kumalas sa Kadamay noong nakalipas na buwan ng Mayo.
Kabilang ang grupo ng Team JB sa 8,000 Kadamay members na pwersahang umukupa sa 6,000 units sa mga housing projects ng gobyerno noong nakaraang taon.
Ilan sa mga inukupa ng militanteng grupo ang 1,980 na bahay na ipinatayo ng National Housing Authority o NHA para sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at Bureau of Fire Protection.
Giit ni Ariz, inalmahan ng kanilang grupo ang pagpupumilit ng Kadamay na gawing libre ang inagaw nilang bahay gayung handa.