Aminado ang Department of Tourism o DOT na may ilang mga turista na ang nagkansela ng kanilang mga bookings sa mga hotel at resort sa Boracay.
Ito ang isiniwalat ni Tourism Secretary Wanda Teo matapos tawagin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isla bilang poso-negro o ‘cesspool’ kung saan nagbanta pa itong ipasasara sa turismo ang lugar kapag hindi nalinis sa loob ng anim na buwan.
Subalit nilinaw naman ni Teo na “minimal” lamang o kakaunti ang mga nagkansela ng bookings.
Aniya, sa limampu’t pitong (57) malalaking hotels at resorts na tinawagan ng DOT, walong (8) guests lamang ang hindi tumuloy sa Bamboo Beach Resort habang dalawampu’t dalawang (22) rooms naman ang kinansela rin sa Blue Marin Boracay.
Sinabi pa ng Tourism official na may mapagpipilian pa naman ang mga turista, tulad ng Bohol at Cebu.
—-