Kinumpirma ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) – Camarines Norte na ilang turista ang stranded sa Calaguas Island.
Ayon kay Antonio Espania, pinuno ng Pdrrmo-Camarines Norte, stranded din ang ilang barko sa naturang isla kasunod na rin nang itinaas na gale warning sa ilang bahagi ng Bicol Region.
Sinabi ni Espania na nakikipag ugnayan na sila sa pamunuan ng Philippine Coastguard (PCG) para ma-rescue ang mga stranded tourist.
Sinasabing April 2 pa nang ma-stranded ang mga nasabing turista sa Calaguas Island subalit hindi umano pinalabas sa media para hindi maapektuhan ang turismo sa lugar lalo nat papasok na ang summer season.
By Judith Larino