Ibinunyag ng pamahalaang panlalawigan ng Negros Occidental na may mga umuwing residente sa kanilang lugar na nagsumite ng pekeng COVID-19 test results.
Dahil dito, ayon kay Governor Eugenio Jose Lacson, oobligahin na nila ang lahat ng mga uuwing residente na sumalang sa swab test pagdating ng kanilang probinsya.
Ayon kay Lacson, inamin ng ilang mamamayan ng Kabankalan City na nagbayad sila kapalit ng negatibong test result.
Sinabi naman ni Provincial Administrator Rayfrando Diaz na hawak na ng kanyang tanggapan ang walong fake RT-PCR tests at pinag-aaralan pa nila kung anong legal na hakbang na maaari nilang gawin ukol dito.