Nakakaharap sa kontrobersiya ang United Nations (UN) matapos na maakusahan ang mga ilang peacekeepers nito sa pang-aabuso sa apat (4) na batang babae sa Central African Republic
Ayon kay UN Spokesperson Stephanne Dujarric, iniimbestigahan na ng UN Mission ang reklamo ng sexual exploitation at abuse laban sa mga peacekeeper sa Bangui.
Nangako rin ang lider ng Bangui troops na hindi kukunsintihin ang mga nagkasala at sisiguruhing mapaparusahan ang mga ito.
Noong taong 2014 ay nasangkot din sa kaparehong akusasyon ang mga French at African troops na umano’y huminge ng sex sa mga bata kapalit ang pagkain.
By Rianne Briones