Tinanggal na ng ilang mga colleges at unibersidad ang pagsasagawa ng entrance examination para sa mga estudyanteng papasok na kolehiyo.
Ito ay bunsod na rin ng pagbabawal sa mass gathering o pagtitipon-tipon ng mga maraming tao sa gitna ng krisis sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Commission on Higher Education Chairperson Prospero De Vera, wala silang polisiya hinggil sa pagsasagawa ng entrance examinations sa gitna kinahaharap na pandemiya.
Bagama’t may ilan pa rin aniyang mga kolehiyo at unibersidad ang nagsasagawa ng physical o online entrance examination, mayorya naman ang mas pinili na lamang laktawan ito.
Sinabi ni De Vera, ibabatay na lamang ng mga eskuwelahan na hindi na nagpakuha ng entrance exam sa grado at kursong kukunin ng mga estudyante ang pagsasagawa ng assessment.
Samantala, iginiit naman ni De Vera na hindi mag-aaring magsagawa ng mass promotion scheme o maramihang pagpasa sa mga estudyante ang mga kolehiyo at unibersidad dahil may mga pagbabatayang grado para sa mga ito.