Pinabulaanan ng Commission on Higher Education (CHED) na isang uri umano ng diskriminasyon na payagan ang mga university at colleges na bumili ng COVID-19 vaccine para sa kanilang mga estudyante at faculty.
Ayon kay CHED Chairman Prospero De Vera, ini-refer na ng komisyon kay Vaccine Czar Secretary Carlito Galvez ang mga unibersidad na nag-i-inquire tungkol sa pagbili ng bakuna.
Paliwanag ni De Vera, hindi dapat bigyang kulay ang pagbili ng ibang unibersidad o institusyon ng kanilang COVID-19 vaccine dahil kanila itong desisyon na mabakunahan ng maaga ang kanilang mga estudyante at faculty.
Ipinunto pa ni De Vera na pinapayagan na bumili ng bakuna ang mga pribadong kumpanya at marami sa mga unibersidad na ito ay nauugnay sa malalaking kumpanya.