Ilang coastal areas sa Visayas at Mindanao ang nananatiling positibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide na lagpas sa regulatory limit.
Sa latest shellfish bulletin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), hindi ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish at alamang na makukuha mula sa:
- Coastal waters ng Milagros in Masbate;
- Coastal waters of Dauis and Tagbilaran City sa Bohol;
- Dumanquillas Bay sa Zamboanga Del Sur;
- Litalit Bay, San Benito sa Surigao Del Norte; at
- Lianga Bay sa Surigao Del Sur
Gayunman, sinabi ng ahensya na ligtas namang kainin ang isda, pusit, hipon at alimasag, at dapat na sariwa, nahugasang mabuti, at natanggalan ng lamang loob tulad ng hasang at bituka bago lutuin.