Nakababahala ang inilabas na statistics ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) patungkol sa kung gaano katalamak ang ilegal na droga sa ating bansa.
Sa National Capital Region lamang ay lumalabas na siyam sa bawat sampung Barangay umano sa Metro Manila ay apektado ng ilegal na droga.
Eto pa ang nakababahalang numero, dahil sa kabuuan, 20.5 percent o nasa walong libo animnaraang mga Barangay sa buong Pilipinas ang mayroong user o gumagamit, pusher o taga-lako at mismong laboratory o pagawaan ng ilegal na droga.
Madalas ang tinatangkilik ng mga parokyano ng mga adik sa ilegal na droga ay ang shabu, o ang poor man’s cocaine at marijuana.
Dahil sa datos na iyan, hindi kataka-taka na laganap din ang mga krimen dahil kapag lango ang isang kriminal sa ipinagbabawal na droga ay tiyak na may lakas loob itong gumawa ng krimen tulad ng rape o panggahasa, murder o pagpaslang at ilan pang kahalintulad na karumaldumal na krimen o heinous crimes na dito lamang sa Pilipinas matutunghayan.
At ang malapit sa katotohanan dito, batay sa inilabas na pag-aaral ng PDEA, na ang itinuturong kasapakat o mga taong nasa likod ng pagpapalaganap ng pagbebenta ng ilegal na droga ay ang mga alagad pa ng batas o mga police scalawags.
Sila itong iilang mga pulis na nire-recycle ang mga drogang kanilang nakukumpiska mula sa mga raid.
Meron nang mga nasumpungang mga men in uniform na nahuling nagbebenta ng mga recycled illegal drugs at ang masaklap ay hanggang ngayon ay hindi pa nassasampahan at nahahatulan ng karampatang parusa.
Ito ang salot na hindi pa kailanman nabibigyan ng solusyon sa ating lipunan sa ngayon, lalo’t imbes na mga law enforcement ang nangunguna sa pagsawata sa mga nasa likod ng ilegal na droga ay sila pa ang pasimuno dito.
Hindi nga malayo dahil sa nalalapit na ang halalan, mas umuusbong at mas lalong tumitingkad ang ika nga “narco-politics sa Pilipinas, ibig sabihin, di lang pulis ang sangkot dito kung hind imaging ang mga pulitiko ay nakikisawsaw na rin sa maliking kinikita sa droga.
Ang tanong: sino sa tingin ninyo ang may kamay na bakal upang wakasan ang ganitong kalakalan?
Mas napapanahon na marahil ang pagluklok ng isang lider na galit sa ganitong mala-demonyong pagnenegosyo, na unti-unting sinisira ang buhay at pangarap ng mga mamamayan lalong-lalo na ang mga kabataan na siyang mga soft-target ng mga drug syndicates.
Aber, mag-isip na tayo kung gusto nating gawing illegal drug-free country ang Pilipinas, ay dapat pumili tayo ng mga lider na di takot na makabangga ang mga sindikato.