Nasabat ng Ninoy Aquino International Airport ang mahigit 700 gramo ng shabu na itinago sa laruan ng bata na nanggaling sa Mexico.
Ayon kay customs district collector Carmelita Talusan, ang droga ay pagmamay-ari ng isang indibidwal na taga-San Juan.
Nang isagawa ng Bureau of Customs ang eksaminasyon, nadiskubre na itinago sa loob ng laruan na drum ang naturang ilegal na droga na idinaan sa Central Mail Exchange Center.
Gayunpaman, naaresto ng awtoridad ang hindi pinangalanang suspek at isinailalim sa custodial investigation habang isinasagawa ang imbentaryo ng customs at PDEA para sa pagsampa ng kaukulang demanda.—mula sa ulat ni Raoul Esperas (Patrol 45)