Planong tanggalin ni Environment Secretary Roy Cimatu ang mga ilegal na imprastrakturang nakatayo sa ilog Pasig.
Ayon sa kalihim na siya na ngayong namumuno sa Pasig River Rehabilitation Commission, kailangan ay panatilihin ang 3 meters easements sa ilog.
Kabilang na rin ang ilang estero at water ways sa metro manila.
Sa tala ng ahensya, mayroon nang halos 20,000 pamilya ang kanilang na-irelocate sa mas maayos na tirahan mula sa mga nakatayong bahay sa ilog.