Iginiit ng Philippine National Police o PNP na ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga ilegal na paputok ilang linggo bago ang pagdiriwang ng bagong taon.
Sinabi ni Police Major Kherwin Evangelista, nagtalaga ng mga sibilyan ang kapulisan para madaling matunton ang mga nagbebenta ng mga ilegal na paputok.
Ayon sa report, ilang vendor ang nahuling nagbebenta ng mga paputok tulad ng piccolo.
Una nang inilabas ng PNP ang operational guidelines para sa regulasyon at pagkontrol sa paggamit ng paputok at pyrotechnics sa holiday seasons.
Samantala, tiniyak naman ng PNP na magiging ligtas ang darating na Kapaskuhan.—mula sa panulat ni Khime Gomez