Pinaalalahanan ng DOH ang publiko na iligal ang pagbubunyag ng anumang impormasyon nang pagtataglay ng HIV o AIDS ng isang tao ng walang pahintulot nito.
Sa gitna na rin ito ng kontrobersya hinggil sa komento ng isang abogado sa ikinamatay ng dating Pangulong Noynoy Aquino.
Tinukoy ng DOH ang Republic Act 11166 o Philippine HIV and Aids Policy Act o nagbibigay ng garantiya sa confidentiality at privacy ng sinumang nag-positibo sa HIV o AIDS o na-expose sa nagtataglay ng nasabing sakit.
Ayon sa DOH maaaring panagutin sa batas ang sinumang masasangkot sa pagbubunyag ng walang pahintulot ng impormasyon na mayroong aids ang isang tao, sumalang sa HIV related test, may HIV infection o HIV related illness o na expose sa HIV.