“Bilang na ang mga araw niyo!”
Ito ang babala ni Senador Sherwin Gatchalian sa mga indibidwal o grupo na nagpapadala ng mga text scam at phishing messages.
Ayon kay Gatchalian, umaasa sila na mababawasan na ang bilang ng mga kawatan ngayong minamadali na ang implementing rules and regulations para sa implementasyon ng Sim Registration Law.
Nalalapit na anya ang pagpapatupad ng nasabing batas na magsisimula sa Disyembre a – 27.
Idinagdag pa ng senador na napansin nila na patuloy ang paglaganap ng mga scam at phishing messages kahit na naipasa na ang batas.
Magsasagawa naman ang National Telecommunications Commission ng public hearing sa Disyembre a – 5 kasama ang mga telecommunications providers at iba pang stakeholder para isapinal ang IRR.
Nakasaad sa batas na ang mga sim card ay naka-deactivate kapag ibinenta at maaari lamang i-activate kapag narehistro na kung saan kailangang magpakita ng valid i.d. — Mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)