Nasabat ng Bureau Of Customs-Manila International Container Port ang mga imported cosmetic products at supplements sa Valenzuela City.
Nabatid na hindi otorisado ng Food and Drug Administration o FDA ang mga nasabing produkto.
Nitong Oktubre 1 nang salakayin ng mga otoridad ang bodega sa Santiago St., Valenzuela City kung saan nadiskubre ang mga imported cosmetic products, vitamins, at supplements.
Patuloy namang inaalam ng ahensiya ang market value ng mga goods na nakumpiska.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico