Isinara ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga iligal na minahan sa probinsya ng Nueva Viscaya.
Ito ay dahil sa kawalan ng dokumento, permit sa pagsasagawa ng operasyon at pag-biyahe ng mga mineral products na matatawag na ebidensya ng iligal na pagmimina.
Bago ang pagpapasara, nagsagawa ng imbestigasyon ang ,Mines and Geosciences region II sa nagaganap na small-scale mining operations sa FTTA agreement contact area ng isang mining company doon.
Anila, kahit na may naganap na magkakasunod na pakikipag-usap at babala sa small-scale miners na natukoy din na illegal settlers, ay patuloy na binabalewala ng mga ito ang kautusan ng mgb na ibakante at iwanan ang lugar.
Inihahanda na ang mga kasong paglabag sa Republic Act (RA) 7942 o ang Philippine Mining Act of 1995 at RA 7076 o ang People’s Small-Scale Mining Act of 1991 laban sa mga minero.—sa panulat ni Rex Espiritu