Halos kalahati ng sampung libong (10,000) establisyemento sa paligid ng Laguna Lake ang bigong makasunod sa mga reglamento ng Laguna Lake Development Authority o LLDA hinggil sa kalinisan ng tubig na inilalabas dito.
Iyan ang inihayag ni LLDA Department Manager III na si Emiterio Hernandez sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Natural Resources kaya’t hind na nila ni-renew pa ang permit ng mga pasaway na negosyante.
Kasunod niyan, iimbestigahan na rin ng LLDA at Department of Environment and Natural Resources o DENR ang illegal reclamation activities sa naturang look o baybayin.
Sa kabila nito, nilinaw naman ng DENR na nananatiling ligtas pa ring kainin ang mga isdang nahuhuli mula sa Laguna Lake kasunod ng mga pangamba na dumumi na ang tubig nito dahil sa mga naturang aktibidad.
—-