Nakitaan ng “Uncharacteristic Spike” o biglaang pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID-19 ang Iligan City.
Ayon kay OCTA Fellow Dr. Guido David, mula sa dating 0.40 na reproduction number, tumaas ito sa 2.34.
Ani David, wala pang ebidensya sa ngayon kung dahil ito sa Omicron variant ngunit posible aniya ito.
Kaugnay nito, sinabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang reproduction number ay hindi dapat na maging sole determinant kung ang isang lugar ay may pagtaas ng mga kaso ng virus
Sa ngayon aniya, ang Iligan City ay mayroong two-week growth rate na 200% at average daily attack rate na 0.52 sa kada 100,000 populasyon.
Sinabi pa ni Vergeire na ang average number ng mga bagong kaso ng virus sa lugar ay nasa 27 mula December 2 hanggang 15, kung saan mas mataas ito sa average na 9 cases mula November 18 hanggang Disyembre 7.
Gayunman, itinuturing na low risk pa rin sa COVID-19 ang nasabing lugar.
Batay pa sa datos ng ahensya, wala pang natutukoy na clusters sa Iligan, na nangangahulugan na kalat na ang COVID cases sa naturang siyudad.