Isiniwalat ng AFP o Armed Forces of the Philippines ang plano ng Maute Group na isunod ang Iligan City matapos na atakihin ang Marawi City.
Ayon kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año, malaking bagay agad na nadiskaril ang plano ng Maute sa Marawi kaya hindi ito nagtagumpay.
Plano umano ng mga Maute na simulan ang paglusob sa Mayo 26 simula ng Ramadan para maisara ang naturang syudad at ideklara itong sentro ng teritoryo ng ISIS sa Pilipinas.
Siniguro ng AFP na malapit na nilang mapulbos ang Maute Group ngayong naisara na ang lahat ng kanilang pwedeng takasan at limitado na lamang ang kinikilusan ng mga ito.
By Rianne Briones
Iligan City plinanong atakehin ng Maute Group—AFP was last modified: June 13th, 2017 by DWIZ 882