Pumalo na sa halos 1,500 mga illegal aliens sa bansa ang naaresto ng Bureau of Immigrations (BI) ngayong taon.
Ayon kay Immigration spokesperson Dana Sandoval, higit na mas marami ang nasabing bilang kumpara sa kanilang naitala noong 2018.
Aniya, halos triple na ang nabanggit na bilang mula sa mahigit 500 naarestong illegal aliens noong nakaraang taon.
Dagdag ni Sandoval, karamihan sa mga naarestong dayuhan ay nahaharap sa mga immigration violations tulad ng overstaying, kawalan ng mga tamang dokumento at fugitives o mga nagtatago matapos tumakas sa kanilang bansa.
Nabatid din na tumaas din ang bilang mga dayuhang nagtungo ng Pilipinas ngayong taon na pumalo naman sa 13-M.