Mahigpit na tinututukan ng Philippine National Police (PNP) ang mga entry points sa mga lalawigan ng Basilan, Sulu at Tawi-Tawi.
Ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar ito ay para pag-ingatin ang mga residente sa nabanggit na mga lalawigan mula sa banta ng Delta Variant ng COVID-19 na siyang nananalasa sa kalapit bansang Indonesia.
Ayon kay Eleazar, kaniya nang inatasan ang mga lokal na police units sa lugar gayundin ang PNP maritime group na magsagawa ng pinaigting na pagpapatrulya gayundin ang intellegence gathering sa mga iligal na pumapasok sa bansa.
Binigyang diin ng PNP Chief, mahalagang maingatan ang mga residente sa tatlong nabanggit na lalawigan dahil ilang kilometro lamang ang layo nito mula sa mga bansag Malaysia at Indonesia kung saan naitala ang pinakamataas na kaso ng COVID-19 partikular na ng Delta Variant nito.
Maliban sa paglaban sa terorismo, kumpiyansa rin si Eleazar na magagampanan pa rin ng mga pulis mula sa Police Regional Office – Bangsamoro Autonomous Region ang pagpapatupad ng health at safety protocols dahil sa panibagong banta ng COVID-19 sa lugar. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico mula sa ulat ni Patrol 9 Jaymark Dagala