Limampu’t siyam na araw ang ibinigay na palugit ng Bureau of Immigration sa 372 na dayuhang ilegal na nagtatrabaho at naninirahan sa Pilipinas.
Ayon kay BI spokesperson Dana Sandoval, aarestuhin ang mga illegal foreign workers ng deportation officers at pababalikin na sa kanilang bansa.
Sa nabanggit na bilang 331 ang Chinese habang 41 naman ang mula sa iba pang bansa.
Kasalukuyang nasa 48,000 pang dayuhan na manggagawa sa Pilipinas ang sumasailalim ng verification process para malaman kung maari na silang makapagtrabaho dito sa bansa. —sa panulat ni Jenn Patrolla