Isinisi ni Cagayan Gov. Manuel Mamba sa mga illegal loggers ang nangyaring malawakang pagbaha sa kanilang lalawigan.
Sa panayam ng DWIZ kay Mamba, sinabi nito na maiiwasan sana ang maladagat na sitwasyon sa kanilang lugar kung hindi naubos ang mga puno sa kabundukan sanhi ng illegal logging.
Ito’y kahit pa nagpakawala ng tubig ang Magat Dam na siya namang inaasahan nila tuwing may dumarating na mga bagyo.
Naabuso talaga ang aming mga kagubatan dito, kaya heavily shielded ang Cagayan River, kaya kami ay nagagalak din na pumapayag na ang ating presidente na magkaroon ng resoration ang Cagayan River. In fact magsta-start kami ng regime ng Cagayan River starting of the mouth doon sa Aparri pero ang Cagayan River po ay mahaba nasa 250 to 300 kilometers ang Cagayan River. ani Mamba sa panayam sa DWIZ