Nanawagan ang mga grupong maka-kalikasan sa pamahalaan na aksyunan ang lumalalang illegal logging sa Cagayan de Oro City.
Ayon kay Orlando Ravanera, Chairman ng Task Force Kinaiyahan, ito aniya ang ugat ng nangyaring pagbaha sa kanilang lungsod bunsod ng walang tigil na pag-ulan.
Makailang beses na aniyang binalaan ang mga lokal na pamahalaan ng Cagayan de Oro at Iligan City sa nasabing problema ngunit hindi naman siya pinakikinggan ng mga ito.
Kasunod nito, inihayag ni Ravanera na nakatakda silang tumulak patungong Maynila upang hilinging makausap si Environment Secretary Gina Lopez.
By Jaymark Dagala