Mahigpit na pinababantayan ni Environment Secretary Roy Cimatu ang umano’y pamumutol ng punong kahoy sa Barangay Don Panaca sa bayan ng Magpet sa Cotabato province.
Paliwanag ni Cimatu, doon din natuklasan ng mga awtoridad ang isang small-scale illegal mining operation.
Sinabi pa ni Cimatu na ang nasabing minahan malapit sa Mt. Apo Natural Park ay hindi lugar para sa mga small-scale miners kaya’t agad nila itong ipinasara.
Binigyang diin ng kalihim na hindi makapapayag ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) na patuloy na magdurusa ang mamamayan sa baha at kalamidad na dulot ng pagkasira ng kagubatan.