Target ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na maipasara ang isang illegal open dumpsite na nasa protected area sa Siargao.
Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, naglabas na ang ahensya ng cease and desist order kontra sa naturang open dumpsite sa Sitio Santa Rosa.
Aniya, mapanganib ang naturang dump site dahil sa posible nitong masamang epekto sa kalidad ng tubig sa Siargao.
Batay sa ulat ng DENR, nasa anim (6) hanggang walong (8) toneladang basura, kabilang ang construction waste ang tinambak sa nasabing dumpsite.