Arestado ang isa umanong illegal recruiter na tumatakbong kagawad sa Tatalon, Quezon City sa mismong miting de avance nito kagabi.
Kinilala ito na si Alejandro Navarro na may humigit kumulang 40 warrant of arrest dahil sa mga kasong large scale illegal recruitment at estafa.
Ayon kay Superintendent Roque Merdegia, hepe ng CIDG Anti-Transnational Crime Unit, nanlaban pa ang suspek at pinasagasaan sa mga bodygurad nito ang mga operatiba na manghuhuli sa kanya.
Nakipagsuntukan ang mga bodyguard ng suspek sa mga pulis na nagresulta sa pagkaka ospital sa isang operatiba ng CIDG.
Karagdagang kasong resisting arrest, direct assault at obstruction of justice ang isasampa kay Navarro.
Karamihan sa mga nabiktima ni Alejandro ay pinangakuan niya ng trabaho sa New Zealand at Japan bilang farm at factory workers at diumano ay tatanggap ng buwanang sahod na 100,000 hanggang 150,000 pesos.