Kalaboso ang isang hinihinalang illegal recruiter sa loob mismo ng tanggapan ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA.
Ito’y makaraang magreklamo ang 7 indibiduwal matapos mapag-alamang peke ang mga dokumentong ibinigay sa kanila.
Kinilala ni POEA Administrator Hans Leo Cacdac ang suspek na si Cornelio Draniel Molina batay sa pagkakakilala sa kaniya ng mga biktima.
Pinangakuan umano ni Molina ang 7 aplikante ng trabaho sa bansang New Zealand sa pamamagitan ng direct hiring kapalit ang P35,000 hanggang P40,000 bilang placement at medical fees.
Hiningan din umano ng suspek ang mga biktima ng kopya ng mga dokumento tulad ng passport, transcript of records, nbi at police clearance.
Binigyan umani ni Molina ng work visa ang 7 bago ang kanilang pre-departure orientation seminar ngunit napag-alamang peke pala ito.