Natimbog ng PNP-Anti Cybercrime Group (ACG) ang isang lalaking online seller ng sim cards na may verified e-wallets sa Quezon City.
Mag-de-deliver na sana ang trenta’y kwatro anyos na suspek, na residente ng Caloocan City, sa isang poseur buyer nang masakote ng mga pulis sa barangay Socorro, sa Cubao.
Ayon kay PNP-ACG Public Information Officer, Lt. Col. Jay Guillermo, nasabat mula sa lalaki ang limandaan limampu’t anim na Globe sim cards na may registered at verified e-wallet accounts.
Ibinebenta anya ng P300 ang kada sim card na kinukuha ng mga nag-o-online gaming, dahil ang transakyon dito ay kailangang ilipat sa e-wallet ang pera at maraming sim card lalo’t P50,000 lamang ang maximum na padala sa isang sim.
Iniimbestigahan na ang mga pagkakakilanlan na ginamit sa e-wallet registration.
Nagbalala naman si Guillermo na maaaring kasuhan o madamay ang sinumang subscriber o sim card user na ginamit ang pagkakakilanlan sa scam.
Samantala, nahaharap ang suspek sa mga kasong paglabag sa RA 10175 o misuse of devices.