Binibigyan umano ng seguridad ng New People’s Army (NPA) ang mga miyembro ng Kadamay na iligal na umukupa sa housing units sa Pandi, Bulacan.
Sinasabing ang naturang impormasyon ay nakuha sa local police ng mga may-ari o beneficiary ng nasabing housing project.
Ayon sa mga may-ari ng unit, nakatanggap ng tawag ang local police na nagpakilalang miyembro ng NPA at nagbanta ng karahasan kapag sinaktan ng mga pulis ang mga miyembro ng Kadamay.
Una nang ipinabatid ng mga pulis na libu-libong Kadamay members ang umukupa sa housing units sa iba’t ibang lugar na kinabibilangan ng PNP/AFP Housing, BJMP/BFP Housing, Villa Elise, Pandi Residences 3, Pandi Village 2 at Padre Pio.
By Judith Larino