Humirit ng Public Apology ang Liberal Party kay si Ilocos Norte Governor Imee Marcos.
Ginawa ni Senate Minority Leader at Liberal Party Stalwart Franklin Drilon ang naturang panawagan makaraang akusahan ng Gobernadora ang kanilang partido na umano’y sangkot sa 100 Million Pesos na pay off sa mga Kongresista kapalit ng kanyang detensyon.
Bagamat sinasabing binawi na ni Marcos ang kanyang naging paratang, pero makabubuti aniya na humingi ito ng paumanhin sa harap ng publiko matapos ang wala namang basehang alegasyon laban sa liberal party.
By: Meann Tanbio / Cely Bueno
Ilocos Gov. Imee dapat umanong mag public apology – Sen. Drilon was last modified: July 26th, 2017 by DWIZ 882