Bukas nang muli ang Ilocos Norte sa turista mula sa Luzon kabilang na ang Metro Manila.
Batay sa impormasyon mula sa local tourism office ng lalawigan, pinapayagan lamang ang mga turistang mula sa mga lugar na nasa general community quarantine (GCQ) at modified general community quarantine (MGCQ) sa Luzon.
Kinakailangan ding makipag-ugnayan ang mga bibisita sa probinsya sa mga travel operators sa lugar na credited ng Department of Tourism (DOT) upang mas maging organisado ang transportasyon, accommodation at itinerary ng mga ito.
Dapat ding magparehistro sa SafePass website para sa posibleng contact tracing.
Limitado lang umano sa 50 turista kada araw ang tatanggapin ng Ilocos Norte.