Humarap na sa imbestigasyon ng House Committee on Good Government si Ilocos Norte Governor Imee Marcos.
Kaugnay ito sa kinukuwestyong paggamit ng pamahalaang panlalawigan sa tobacco excise tax.
Ayon kay Marcos, nagpasya siyang dumalo sa pagdinig bilang pagrespeto sa ipinadala nilang subpoena sa kanya.
Nais na rin aniya niyang kunin ang pagkakataon para makapagpaliwanag at magbigay linaw sa isyu.
Kasamang dumating ni Governor Marcos sa Kongreso si dating Senador Juan Ponce Enrile na hiningan niya ng tulong para sa imbestigasyon.
Matatandaan na anim sa mga lokal na opisyal ng Ilocos Norte Provincial Government ang nakakulong ngayon sa Kongreso matapos i-cite for contempt dahil sa di umano’y hindi maayos na sagot sa excise tax investigation.
By Len Aguirre | Jill Resontoc (Patrol 7)
Ilocos Norte Governor Imee Marcos ginisa sa Kongreso was last modified: July 25th, 2017 by DWIZ 882