Hindi na kailangang magpakita ng swab test result sa mga turistang papasok sa Ilocos Norte mula Disyembre a-primero.
Ayon sa provincial government, ang mga biyahero mula sa mga lugar na nasa ilalim ng alert level 1 hanggang 3 ay kailangan lamang na magpakita ng valid vaccination card at dapat na magpasuri o health check pagdating sa naturang lalawigan.
Habang ang mga turistang naturukan na ng unang dose, mga hindi pa bakunado at galing sa mga lugar na nasa alert level 4 ay kailangan na magpakita ng RT-PCR test na isinagawa sa loob ng 72 oras o antigen test na isinagawa sa loob ng 24 na oras.—sa panulat ni Airiam Sancho