Aabot lamang sa limang bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa Ilocos Norte simula Marso 16 hanggang 20.
Ayon sa provincial government, dalawa sa mga ito ay naitala sa Laoag habang tig-isa sa bayan ng Pasuquin, Piddig, Sarrat, Vintar, Badoc, Marcos, Paoay, Solsona at sa siyudad ng Batac.
Batay sa huling ulat, nasa 126 ang bilang ng aktibong kaso sa lugar.
Nasa 24, 839 naman ang kabuuang kaso sa lugar.–-sa panulat ni Abby Malanday