Niyanig ng magnitude 4.4 na lindol ang ilang bahagi ng Ilocos Norte kagabi.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), natukoy ang sentro ng lindol sa 9 na kilometro hilagang kanluran ng Pagudpud, may lalim na 25 kilometro at tectonic in origin.
Ang nasabing pagyanig ay naramdaman sa intensity 3 sa sa bayan ng Pasuquin at Laoag City at Intensity 2 naman sa Sarrat.
Intensity 4 naman ang naramdamang pagyanig sa kalapit na lugar ng Claveria, Cagayan at Intensity 2 sa Sinait, Ilocos Sur.
By Judith Larino