Niyanig ng magnitude 4 na lindol ang lalawigan ng Ilocos Norte kagabi.
Ayon sa Phivolcs, nangyari ang lindol bandang 7:10 kagabi. Tectonic ang lindol at may lalim na 25 kilometro.
Tumama ito sa layong limang kilometro hilagang-kanluran ng bayan ng bacarra sa Ilocos Norte.
Naramdaman ang Intensity IV sa Bacarra at Pasuquin, Ilocos Norte.
Naitala rin ang instrumental Intensity IV sa Pasuquin, Ilocos Norte; Intensity II sa Laoag City; at Intensity I sa Sinait, Ilocos Sur.
Wala namang inaasahang pinsala o aftershocks na dulot ng nasabing pagyanig.