Inirekomenda ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang pasasampa ng kaso laban sa ilang opisyal ng Ilocos Norte dahil sa anila’y kuwestyonableng pagbili ng mga sasakyan na ang ginamit na pondo ay nagmula sa tobacco excise tax.
Batay sa Committee Report No. 638, lumabas sa kanilang mga pagdinig na overpriced ng mahigit sa dalawampung libong piso ang mahigit isandaang Foton minicabs na binili ng pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte.
Ayon sa report ng House panel, illegal ang pagbili ng mga sasakyan dahil nagmula sa cash advance ang pondo at hindi ito isinailalim sa bidding.
Maliban dito, malinaw rin sa batas na ang share ng lalawigan sa tobacco excise tax ay puwede lamang gamitin para sa mga proyektong para sa mga magsasaka ng tabako.
Mataandaan na anim na opisyal ng Ilocos Norte na tinaguriang Ilocos Six ang ikinulong sa House of Representatives dahil sa pagtangging sumagot sa mga katanungan sa imbestigasyon ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
—-